Opisyal nang ipinakilala ng
United Laboratories, Inc. (UNILAB) ang talentado at guwapong aktor na si Ian
Veneracion bilang isa sa mga brand ambassadors ng pharmaceutical company. Ang
aktor, na kasalukuyang bahagi ng hit television series na “A Love to Last,”
(ALTL) ang siyang napiling kumatawan sa produktong Conzace, ang number one
prescribed brand para sa multivitamins plus minerals ng mga doctor dito sa
bansa.
“Isa pong karangalan na maging
bahagi ng UNILAB family para sa produktong Conzace,” bahagi ni Veneracion.
Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat ako sa opportunity at naniniwala ako na malaki
ang maitutulong ng produktong ito sa milyon-milyong Filipino kagaya nang kung
paano ito nakatulong din sa akin.”
Ayon sa Conzace assistant product
manager na si Mike Jimenez, ang pagkakapili kay Veneracion bilang brand
ambassador ay perfect match. Aniya, “Si Ian ay ang epitome ng superior immunity
and good looks.”
Paliwanag ni Jimenez tungkol sa
koneksyon ng aktor at ng produkto: “Ang Conzace ay may clinically-proven ZACE
formulation. Sa mga nagtataka kung ano ito, ang ZACE ay pinagsamang Zinc,
Vitamins A, C, at E. Ito rin pong mga elements na ito ang dahilan kung bakit ang
Conzace ay ang nangungunang multivitamin and minerals product na prescribed ng
mga General Practitioners at
Dermatologist. At gaya ng produkto, ang brand ambassador nito na si Ian ay
napatunayan na rin ang kakayahan at kahusayan sa kanyang larangan.”
ANG MUKHA NG CONZACE
Nakilala si Veneracion noong
early ‘90s nang una siyang lumabas bilang ang cute at charming na si Jeffrey
Laperal, anak ni Joey de Leon sa sitcom na ‘Joey & Son.’ Nagpatuloy ang
showbiz career ng aktor hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula kung
saan sari-saring papel na ang kanyang ginampanan. Dalawa sa pinakahuling
pelikula ng aktor ay ang internationally acclaimed psychological thriller na
‘Bliss’ at ang Filipino indie supernatural horror film na ‘Ilawod.’
Sa edad na 42, muling naging
matunog ang pangalan ng aktor na ngayon ay mas kilala bilang si Engineer
Antonio “Anton” Noble IV sa ALTL, ang guwapo at mayamang hiwalay sa asawa na
may tatlong anak at iibig sa isang kagaya niya na hindi naging maganda ang
karanasan sa usaping puso. At siyempre, sino ang makakalimot sa kanyang
pagganap bilang si Eduardo Buenavista sa 2015 remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo,’ ang
role na muling nagpaingay sa pangalan ng aktor sa showbiz.
Pero hindi lang pagiging aktor
ang kayang gawin ni Veneracion dahil maliban sa pagiging artista, isa din
siyang pintor, atleta, piloto, chef, at pamilyadong tao. Subalit upang
magampanan ni Veneracion ang lahat na ito, kailangan niya ng isang multivitamin
plus minerals na tutulong sa kanya upang maging malakas, malayo sa sakit, at
hindi mukhang haggard!
“Kailangan ko ng multivitamin
plus minerals na tutulong palakasin ang immunity ko laban sa ubo at sipon.
Kailangan ko din ng produkto na magpo-promote ng healthy hair and skin, lalo na
at sa linya ng trabaho ko kailangan maayos at presentable parati, hindi mukhang
stressed – mabuti na lang at may Conzace para magbigay sa akin ng lahat ng ito.
ANG ZACE EFFECT
Kumpara sa ibang multivitamins,
ang Conzace ay naglalaman ng highest levels ng pinagsamang ZACE. “Ang unique
formulation ng Conzace ay bumubuo ng synergistic effect na clinically proven na
nakakatulong palakasin ang immunity, nakapagpaganda ng buhok at balat, at
tumutulong din sa mas mabilis na paghilom ng sugat dahil pinabibilis nito ang
skin regeneration.
Samantala, tila speaking from
experience, may mas magandang paliwanag si Veneracion: “Nasa mga maliliit na
bagay ko nakikita ang mga magandang naidudulot ng Conzace gaya na lang ng
stronger resistance against colds and flu, makinis na kutis, at malusog na
buhok. Maraming nagagawang mabuti ang Conzace sa katawan ng tao, at in return,
marami din akong nagagawa para sa sarili ko, para sa pamilya ko, at para sa
mahal kong trabaho.
0 comments:
Post a Comment